MAKATI CITY – KULONG ang isang estudyanteng Syrian at isang American matapos nilang tangkaing suhulan ang isang bouncer na nakahuli sa kanila ng bawal na damo sa isang hotel kahapon ng madaling araw.
Ikinulong sa Makati Police Station sina Abdullah M. Alhelo, 26, Syrian at Mohamed Seaud, 36, US national, nanunuluyan naman sa Brgy. San Dionisio, Sucat, Parañaque City.
Ayon kay Sr. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, batay sa pahayag ni Jelbert Nabarte, 30, nakatira sa Tondo, Manila, bouncer, ala-1:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa elevator ng ikaanim na palapag ng naturang hotel.
Nakuhanan ni Nabarte ang mga suspek ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana sa baywang ng brief ng mga ito.
Subalit, isa sa mga suspek na si Seaud ang nag-alok ng P500 kay Nabarte para huwag silang isuplong sa mga pulis, subalit tinuluyan sila nito hanggang sa dinala sa nasabing himpilan ng pulisya. ROSE LARA
Comments are closed.