2 DRUG TRADERS TIKLO SA P2.4 M MARIJUANA

NASAKOTE ang dalawang drug suspect na taga-Benguet makaraang makumpiskahan ng 20 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P2.4 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig.Gen. Danilo Macerin, ang mga nadakip na sina Daryl Collera, 24-anyos, residente ng  Sitio ng Timoy Poblagcion Bakun, Benguet Province na mayroong kasong rape noong 2015 at  Murray Comot alias Lakay, 29-anyos ng Buyagan La Trinidad Benguet Province.

Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni PLt. Col.  Richard Ang, nakatanggap umano sila ng impormasyon sa pagbibiyahe at pagbebenta ng malakihang  bulto ng marijuana ng mga suspek kaya agad silang nagsagawa ng surveillance.

Isinagawa ang buy bust operation dakong alas-3:45 ng madaling araw sa harap ng  Prince Albert Electronic Shop sa Quirino Highway. Brgy. Bagbag, Novaliches at sa aktong nagbabayaran na ng P200,000 halaga ng marijuana ay biglang lumabas ang mga pulis-Novaliches at agad na dinakma ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang 20 bulto ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng packaging tape nanagkakahalaga ng P2.4 milyon, Sel/Blackish Red Mica Toyota Innova (DAK 2044) na ginamit sa transaksiyon, buy-bust money at cellular phone na ginamit sa  drug deal.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa  R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa dalawang drug suspects. EVELYN GARCIA

Comments are closed.