DALAWANG entries ang itinanghal na kampeon sa pagtatapos ng ikalawang edisyon ng 2023 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby noong Martes ng gabi sa Araneta Coliseum.
Co-champion sa nasabing torneo ang 22GF/Ormoc Joe entry ni Pablito Gregore at ang Infiniti Gold 6-Cock Derby June 21 Manila Arena-2 entry ni Joseph Panganiban matapos makapagtala ng tig-7.5 points.
Runner-up naman sina Tata Gov/Tata Rey, Fiscal Moises Villanueva, Eddie Gonzales, Jon Jon Cano, Frank/Guam Boys/Joey Melendres, at Nene Araneta na pawang nakalikom ng 7 points.
Samantala, nagtala ng 6.5 points ang combined entry nina Bebot Uy at Patrick Antonio.
Mayroon namang tig-anim na panalo at tatlong talo ang entry nina Daday Siochi/Raymond Dela Cruz at Alan Arandia/Allen Amador/Teng Ranola.
Nakapagtala naman ng tig-limang panalo at apat na talo sina Domino Valera at Pol Estrellado, habang may tig-apat na panalo at limang talo sina Nelson Baccay, Joel Lustria, at ang combined entry nina Roger Vibal at Jun Durano.
Tampok sa grand finals ang 34 sultada mula sa 17grand finalists na pawang naghahangad na masungkit ang pinakaaasam na WSC title.
-DADI TSIKEN