SAUDI ARABIA – KINUMPIRMA ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na dalawang pilgrims mula sa Filipinas ang nasawi habang naglalakbay patungong Mecca.
Kinilala ang unang nasawi na si Sarapia Abalimbona Taha, 57-anyos, babae, mula sa Lanao del Sur.
Sa ulat, hinimatay si Taha habang papasok ng Masjidil Haraam at batay sa NCMF Medical Team na pinamumunuan ni Dr. Abdulnasser Masorong Jr., na ang ang sanhi ng pagkamatay ng babaeng pilgrim ay atake sa puso.
Samantala, kinilala ang isa pang pilgrim na nasawi na si Enting Tungao Kamensa, 66-anyos at tubong Maguindanao.
Si Kamensa ay hinimatay sa loob mismo ng Masjidil Haraam noong Linggo bunsod din ng heart attack.
Ang mga labi ng dalawa ay hiwalay na dinala sa Al Noor Hospital at King Faisal Hospital habang agad namang ipinaalam sa kanilang pamilya ang sinapit ng mga ito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.