TINITIYAK ng pamunuan ng Philippine Navy na ang dalawang barkong pandigma ng kanilang hukbong dagat na dinisenyo at ginagawa ngayon ng Hyundai Heavy Industries (HHI) ay hindi mababang kalidad at kaya nitong makipagsabayan sa kanilang mga naval counter-parts.
Ito rin ang inihayag kahapon ni HHI president and chief executive officer Sam H. Ka nang tanungin ito nang direkta ng mga mamamahayag kung paano maihahambing ang mga frigate na kanilang dinisenyo at nilikha para sa Philippine Navy kumpara sa mga kahalintulad na barkong pandigma na pinapatakbo ng mga kasalukuyang modernong navies.
Nabatid na ang HHI ay isang South Korean shipbuilder na kinontrata ng Defense Department para gumawa ng unang dalawang “missile-armed frigates, para sa Philippine Navy at isa rito ang BRP Jose Rizal (FF-150) na nakatakdang ilunsad sa dagat ngayong Huwebes.
Habang ang sistership nitong BRP Antonio Luna (FF-151) ay pasisimulan ang kanyang steel-cutting o construction phase ngayong linggo.
Nilinaw ni CEO Sam H. Ka na ang kanilang pamantayan sa pagdidisenyo at paggawa ng mga barko ay ang United States Navy na tinuturing na most advanced at sophisticated sa buong mundo.
“I saw the modernization program of our (Republic of Korea) Navy for long, even including the Aegis destroyer building process, we already built two Aegis destroyers for our Navy and we are trying to build more units of a more updated Aegis destroyer and we have been building some submarines, frigates, corvettes, many other different type of Navy ships for more than twenty years,” paliwanag pa ni Ka.
Ang tinutukoy ng opisyal ay ang kanilang guided-missile destroyers na equipped ng Aegis combat system na gumagamit powerful computers at radars system para tuntunin at ihatid ang kanilang mga sandata at wasakin ang kanilang kalaban.
“Of course in the beginning our product could not be said same as the US Navy but today I can already say (we are) very close to the US Navy product,” at pahayag pa ng HHI president ang kanilang progreso ay bunga ng mahabang pag-aaral at pananaliksik at katunayan ang South Korea ay isa sa mga pinakamagaling na shipbuilding countries sa buong mundo.
Ang Filipinas at ang HHI ay lumagda sa P16 bilyon na konrata para sa dalawang missile-armed frigates bukod pa sa panibagong P2 billion na inilaan para sa modernong weapon systems and munition. VERLIN RUIZ