LEYTE – DEAD on the spot ang dalawang jail guard at ang tricycle driver na kanilang sinakyan nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng hapon, mula sa pagdalo sa court hearing sa bayan ng Villaba.
Nasawi sa pananambang sina Leo Gonzales at Genises Piamonte, kapwa provincial jail guards, at tricycle driver na si Jay-r Escoton.
Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na sakay ng tricycle ang mga biktima kasama ang limang inmates at pabalik na sana ng Pal-ompon Sub-Provincial Jail nang dikitan ng riding in tandem suspects at saka pinagbabaril pagsapit sa Barangay Tagbubunga.
Agad namatay ang dalawang jail guard habang dead on arrival naman sa Palompon District Hospital si Escoton.
Ligtas naman ang inmates at naibalik din sa kanilang mga kulungan.
Target ng manhunt operation ng mga awtoridad ang mga nakatakas na gunmen. Agad tumakas ang dalawang gunmen matapos ang pamamaril.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Villaba Police hinggil sa insidente at pagkakakilanlan ng mga suspek. VERLIN RUIZ
Comments are closed.