CAMARINES SUR – NAARESTO ng mga tauhan ng Criminal, Investigation and Detection Group (CIDG)- Camarines Sur ang dalawang punong barangay matapos na maaktuhang bumibili ng boto sa entrapment operation sa Brgy. Sta Lucia, Magarao.
Ang nangyaring vote buying ay may kinalaman sa gaganaping The Association of Barangay Councils o ABC election sa Camarines Sur.
Ayon kay PNP Bicol Region Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sr. Supt. Wilson Asueta, ala-1:20 ng hapon nang isagawa ang entrapment operations sa loob ng isang resort sa Brgy. Sta Lucia Magarao.
Ikinasa ang operasyon matapos magreklamo ang dalawa ring punong barangay na kinilalang sina Florentino Sibuc ng Brgy. Siembre at Clariño ng Brgy. San Francisco sa Bombon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Augusto Laure, 51, ng Brgy. San Roque at Allan Vedallo, 44, ng Brgy. Pagaw.
Nakuha ng mga pulis sa sa nasabing operasyon ang P100,000 cash. SARMIENTO
Comments are closed.