2 KATAO ARESTADO SA P135K DROGA

arestado

CALOOCAN CITY– ARESTADO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng P135,000 halaga ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores ang mga naares­tong suspek na sina alyas Alexis ng Brgy. 177, Camarin; at alyas Aljon  ng Brgy. Camarin.

Batay sa report ni Col. Flores kay Northern Police District Director, PBGen. Rolando Genaro Ylagan, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang Caloocan Police Community Precinct (PCP) 5 mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong abutan ng ilegal na droga sa harap ng isang gusali sa lungsod.

Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ng PCP 5 sa pangunguna nina PCpl Christian Pascual at PCpI Noel Mique ang naturang lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang dalawang suspek na nag-aabutan ng ilegal na droga.

Nilapitan ng mga pulis ang mga suspek at ina­resto subalit nagawang makatakbo ni Del Mundo papasok sa loob ng condominium na naging dahilan upang habulin ito ng mga parak hanggang sa makorner sa loob ng kanyang kuwarto.

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang 750 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kasamang fruity tops na nasa P15,000 at 18 grams ng hinihinalang shabu na nasa P120,000 street value ang halaga. EVELYN GARCIA

Comments are closed.