2 KATAO SAPOL SA KARAMBOLA NG 7 SASAKYAN

ROAD ACCIDENT-2

TAGUIG CITY – DALA­WA katao ang nasawi at anim pa ang sugatan matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck ang anim na sasakyan kahapon ng umaga.

Kinilala ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, ang mga nasawi na sina Danilo Pedrosa at Gerald Kian Hernandez, isang fire officer.

Nabatid na nagmomotorsiklo si Hernandez samantalang si Pedrosa ay sakay ng kanyang bisikleta. Ang dalawang biktima ay kapuwa nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina Ronald Ortega; Christopher Auino; Aldren Ano; Jaime Ocfemia; Rogelio Salina at Cristel Castro, nagtamo ng mga sugat ang mga ito sa iba’t ibang bahagi rin ng katawan.

Nasa custody naman ng Taguig City Traffic Bureau ang driver ng ten wheeler truck na si Roman Marinas, 29, tubong San Acinto, Pangasinan at nakatira sa  Burak, Pampanga.

Ayon kay Santos, naganap ang insidente dakong 5:45 kahapon ng umaga sa harapan ng Lakeshore, C-6 Road ng naturang siyudad.

Nabatid na minamaneho ni Roman ang isang Isuzu Aluminum  ten wheeler truck, model 2016, na may temporary plate number 130101 at  naglalaman ng buhangin mula sa Pampanga na pag-aari ng isang Alvin Tiqui, taga-Paning Angeles Pampanga at over-loaded ito.

Kasama ni Roman ang  pahinante ntio na kanyang kaanak na si Ronny Marinas, 19, tubong San Acinto, ­Pangasinan, at  si  Julius M. Vallinan,  31, taga-San Vicente, Pangasinan.

Sinasabi ng driver na nawalan ito ng preno dahilan upang araruhin nito ang anim na sasakyan na kinabibilangan ng dalawang  jeep, 1 motorsiklo, isang kotse at dalawang bisikleta, na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa katao at pagkasugat ng anim pang biktima.

Sinabi pa ni Santos  bago pa maganap ang aksidente ay  nahuli na ang driver ng naturang ten wheeler truck dahil sa traffic violation at sa sobrang bigat ng karga nitong buhangin ngunit nagpatuloy pa rin ito  sa pagmamaneho.

Dahil pababa ang lugar kung kaya’t nang hindi na makontrol ng driver ang minamanehong  truck ay nasalpok na nito ang nabanggit na mga sasak­yan.   MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.