QUEZON CITY – DALAWANG lalaki ang magkahiwalay na naaresto ng Quezon City Police District sa pinatupad at mas pinaigting na anti-illegal drug and anti criminality operations sa lungsod na ito.
Unang naaresto ng Anonas police station (PS-9) sa ilalim ni PMAJ. Feliciano Almojuela Jr. si Nelson Tabudlong, 35-anyos ng Brgy. Pansol, noong Disyembre 1, ganap na alas-2:30 ng umaga sa H. Ventura St., Brgy. Pansol.
Nirespondehan ng mga kapulisan ang ulat sa kanila na naglalaro umano si Tabudlong ng balisong sa kanilang lugar, at ng maaktuhan ito at masita nakapkap sa kanya ang isang plastik ng shabu at patalim.
Sasampahan si Tabudlong ng RA 9165 ng comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Samantala, arestado sa isang buy bust operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PMaj. Timothy Aniway Jr.
Ang suspek na si Marcelino Juray alyas kuya, 38-anyos.
Ayon sa report, naikasa ang buy bust operasyon ng kooperatiba sa ganap na 11:00 ng gabi sa may tapat ng 7-11 store sa Atherton St., Brgy. North Fairview, at dito na nadakip ang suspek matapos pagbilhan nito ang buyer ng halagang P8,000 ng shabu.
Nakumpiska sa suspek ang may humigit kumulang P74,000 halaga ng shabu, buy bust money at cellphone na ginamit ni Juray sa pakikipagtransaksiyon. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.