QUEZON CITY – NASAMSAM mula sa dalawang suspek ang dalawang kilo ng marijuana ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., sa buy bust operation mula sa Station Drug Enforcement Unit ng naturang estasyon.
Kinilala ni Esquivelr ang mga suspek na naaresto na sina Fernando Nuez, alyas Boss, 21-anyos, ng Novalices; at Ruperto Perona, alyas Badong, 25-anyos mula sa Panam Village, Taguig City.
Alas-9:30 ng gabi noong Martes nang ikasa ang isang joint operation ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS-4) sa ilalim ni PLTCOL Rossel Cejas at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Quezon City (PDEA-QC) ang buy bust operation sa Interville 3 Subdivision Elgin St., Brgy San Agustin, Novaliches dahilan ng pagkakaaresto sa mga suspek at nakuha mula sa mga ito ang humigit na 2 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang aabot sa halagang P240,000, digital weighing scale, cellular phone, sasakyan at ang buy bust money na ginamit sa operasyon.
Habang sa isa pang buy bust operation ng station 4 ay apat pa ang naaresto na nakuhanan ng 12 sachets ng shabu o tinatayang may street value na P84,000, 1 opened sachet na may bakas pa ng pinanggalingan ng shabu, cellular phone, ilang paraphernalia at ang buy bust money na ginamit sa operasyon. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.