COTABATO-DALAWANG ranking New Peoples Army (NPA) guerilla fighters ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army (PA) nang masabat ang grupo nito sa nasabing lalawigan.
Sa report na ipinarating sa tanggapan ni PA chief Lt Gen Cirilito Sobejana, napaslang ng militar sina alyas James na taga Paquibato District Davao City at isang alyas Nimno, taga Davao Del Sur na kapwa squad leader ng communist terrorist group.
Base sa ulat kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang 72nd Infantry Battalion ng PA sa pamumuno ni Lt. Col. Rey Alvarado nang makasagupa nila ang isang malaking grupo ng mga armadong NPA sa Barangay Malire Antipas, North Cotabato.
Walang inulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan sa halos kalahating oras na bakbakan na naging dahilan nang paglikas ng mga sibilyan sa kalapit barangay sa takot na maipit sa sagupaan.
Nang makitang may namatay at nasugatan sa panig ng mga rebelde ay agad na umatras ang mga ito sa pangunguna ni Kumander Joel ng NPA Guerilla Front 53 (GF53) ng Southern Mindanao Regional Party Committee (SMRC) bago pa abutan ng Army re-enforcement.
Narekober sa isinagawang clearing operation ang dalawang bangkay ng NPA, isang M14 rifle,3 magazine,bandoller,IED,1 switch detonator, dalawang 7.62 mm link ball,mahahalagang dokumento, cooking materials,medical paraphernalia,mga bala at mga personal na kagamitan.
Ipinag utos ni Alvarado na huwag lubayan ang pagtugis sa mga tumatakas na NPA sa bayan ng Antipas at hangganan ng Magpet, Cotabato. VERLIN RUIZ
Comments are closed.