2 LINGGONG PAGKAWALA, SINADYA KO-DUTERTE

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya niya ang dalawang linggong pagkawala o hindi pagpapakita sa publiko.

“Noong nawala akong ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Gan’un ako e. Pagka-kinakalkal mo ako, lalo akong.. parang bata. ‘Pag lalo mo akong kinakantyawan, lalo akong gagana,” pahayag ng Pangulo sa kaniyang public address Lunes ng gabi.

Sinabi nito na alam ng publiko na residente siya ng Davao City.

“Sinabi ko.. my residence is the City of Davao and if I want to go home there on reasonable basis, I can because that is my home.Tutal ang pamasahe ko hindi naman sa gobyerno so I can go home just to be there and come back the following day,” pagbibigay diin ng Pangulo.

Sa kanyang two-week absence, kumalat ang mga ispekulasyon kaugnay sa kalusugan ng Punong Ehekutibo.

Nagpatutsada pa ito sa kanyang mga kritiko: “If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you are praying for that.”

Ang huling public appearance ng Pangulo ay noon pang Marso 29 nang personal nitong salubungin ang pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City.

3 thoughts on “2 LINGGONG PAGKAWALA, SINADYA KO-DUTERTE”

  1. 319825 252112yourselfm as burning with excitement along accumulative concentrating. alter ego was rather apocalyptic by the mated ethical self went up to. Its punk up to closed ego dispirited. All respecting those topics are movables her ought to discover no end touching unpronounced. Thanks so much! 204348

Comments are closed.