2% MISMATCH SA ELECTION RETURNS, HINDI TIYAK ANG EPEKTO SA KREDIBILIDAD NG HALALAN

HINDI pa nakatitiyak kung mayroong mala­king epekto sa resulta o kahit sa kredibilidad ng Eleksyon 2022 ang 1.61% mismatch sa election returns o ERs na nakita ng Pa­rish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Ito ang inihayag ni Atty. Vann dela Cruz, ang tagapagsalita ng PPCRV, kasunod ng ilang mga “concern” o pag-aalala kaugnay sa 1.61% ER mismatch.

Sa isang mensahe, ipi­naliwanag ni Dela Cruz na hindi pa masa­sabi kung may epekto nga ba ito dahil “for revalidation” pa ang mga ito.

Posible rin aniya na mayroong “typos” dahil sa unreadable o hindi mabasa ang ilang ERs.

Pagtitiyak naman ni Dela Cruz, kung anuman ang lumabas o magiging resulta ng kanilang ginagawa ay mag­hahanda ang PPCRV ng report o ilalahad nila ito sa publiko.

Sa naunang pahayag ng PPCRV, naitala ang 1.61% mismatch sa 240 ERs at sa transpa­rency media server para sa Eleksyon 2022, pero maaaring ito ay dahil lamang sa hindi sinasad­yang “error” ng ilang pagod na volunteers.

Ang Commission on Elections (Comelec) naman ay gumagarantiya na walang dapat ikabahala rito dahil hindi naman ito makaaapekto sa resulta ng eleksiyon lalo na sa national positions. JEFF GALLOS