2 MISTER BULAGTA SA LAMBANOG

lambanog

LAGUNA – HINIHINALANG sa Lambanog ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang lalaki sa bayan ng Famy at Siniloan ka­makailan.

Sinasabing isa sa mga biktima na si Lemuel Salubante, 36-anyos, ng Sitio Valenzuela, Brgy. Batuhan, Famy ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa General Cailles Memorial Hospital sa bayan ng Pakil.

Batay sa resulta ng pagsusuri (Medical Certificate) ng nakatalagang doktor na si Dra. Erika Badulis, lumilitaw na Methanol Poisoning umano ang sanhi ng kamatayan ng biktima noong Pebrero 26.

Bukod aniya rito ang pagkamatay rin ng biktimang si Larry Reodanga ng Brgy. Mendiola, bayan ng Siniloan noong nakalipas na mga araw.

Hinala umano ng kanyang pamilya na lambanog din ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman sa ulat na nag-inuman ang mga ito ng lambanog sa kanilang lugar ng hindi inaasahang mauwi sa kanilang pagkamatay. DICK GARAY

Comments are closed.