PAMPANGA – ARESTADO ng mga operatiba ng PNP ang dalawang lalaki na kabilang ang Top Most Wanted sa Gitnang Luzon.
Sa report na ipinadala ni PNP Provincial Director Col. Ferdinand Germino sa Camp Olivas kinilala ang top 1 most wanted na si Bryan Brigole Y Abella, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City.
Inaresto si Brigole ganap na alas-7:30 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no.36997-AF at walang piyansa sa kasong Murder.
Samantala, nadakip din ng mga tauhan ng Camiling Municipal Police Station si Gilbert Sison y Idos, nasa hustong gulang ng Brgy. Poblacion B.
Ganap na alas- 9:10 ng umaga kahapon nang arestuhin ng mga pulis si Sison sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
THONY ARCENAL