NEGROS OCCIDENTAL- APAT katao lulan sa magkahiwalay na motorsiklo ang nasawi sa sakuna sa Bacolod City.
May dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang nasawi nang mabangga nila ang sinusundang Asia Utility Vehicle sa Bacolod City noong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya nang lumiko pakaliwa ang AUV, nahagip ng motorsiklo ang likurang bahagi ng sasakyan na ikinasawi ng mga biktimang sina Jolyn Amihan at hindi pa nakikilalang backride nito.
Sa lakas ng impact at nahagip pa ng motorsiklo ang isang tricycle bago sila tumama sa railing sa gilid ng highway.
Samantala, patay ang isang babae at isang lalaki sa banggaan ng isang motorsiklo at isang tricycle sa bayan ng Ilog kamakalawa ng hapon.
Ayon sa hepe ng Ilog Police na si Police Captain John Ganzon, papunta sana sa Barangay Dancalan ang biktimang si Danny Dupio sakay ng kanyang motorsiklo.
Nang makaabot sa Kilometer 111, sinubukan umano ni Dupio na mag-overtake sa sinusundan nitong sasakyan pero hindi niya inakalang may maka-kasalubong na motorsiklo.
Nagkabanggaan ang dalawang sasakyan na naging sanhi ng pagkamatay ni Dupio. VERLIN RUIZ
Comments are closed.