2 NADALE SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO

salpukan

ISABELA – PATAY ang dalawang tsuper ng motorsiklo makaraang magbanggaan sa lansa­ngan na sakop ng Brgy. Mambabanga, Luna.

Nakilala ang dalawang nasawi na sina Kennedy Benico, tsuper ng XRM Motorcycle at residente ng San Jose, Baggao, Cagayan habang  ang isa pa ay nakilala lamang sa pangalang Jefferson Patungan, 22-anyos at  residente ng  San Guil­lermo, Isabela.

Ayon kay PO3 Michael Lagunilla, imbestigador ng PNP Luna, nadatnan ng tumugon na mga pulis ang nakahambalang dalawang behikulo sa nasabing lansangan matapos  itawag sa kanila ang pangyayari.

Magkahiwalay na binabagtas ng dalawang  behikulo ang nasabing lansangan.

Hindi umano nakontrol ni Patungan ang kanyang  minamanehong motorsiklo at  umagaw sa linya ni  Benico na dahilan ng  kanilang banggaan.

Itinakbo pa sa pagamutan ang  dalawang tsuper subalit  idineklarang  dead on arrival ng  mga sumuring  doktor.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng kapulisan na ang  dalawang  nasawi  ay  kapwa nasa impluwensiya ng  nakalalasing  na inumin.    REY VELASCO

Comments are closed.