DALAWANG dating preso na nakalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa awtoridad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-7:30 ng gabi nang sumuko sa mga barangay opisyal ng Brgy. 93 si Ernesto Roque, 54, may-asawa ng 11th Avenue saka tinurn-over sa Police Community Precinct 1.
Sinabi ni PCP-1 desk officer PCpl. Philip James Fagola, si Roque ay nasentensyahan ng 30 taong pagkakakulong sa kasong robbery with homicide at nakalaya noong Enero 26, 2019 sa ilalim ng RA 10592 o ang GCTA Law at sa pagsuko nito ay nakatakda itong ibalik sa Bureau of Correction (BuCor) sa Muntinlupa city.
Alas-8 naman ng gabi nang sumuko rin si Elimar Belda, 54 ng Brgy. 10 sa Caloocan Police Community Precinct 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Herson Manikdik.
Si Belda ay nakulong sa kasong crime parricide noong Enero 25, 1993 at hinatulan ng korte ng reclusion perpetua kung saan nakalaya ito noong Marso 12, 2019 sa ilalim din ng GCTA law at nakatakda rin ibalik sa BuCor para sa wastong disposisyon. VICK TANES / EVELYN GARCIA
Comments are closed.