CAVITE – Dalawang notoryus na shoplifter ang nasakote ng mga awtoridad makaraang manikwat ng iba’t ibang gro-cery items sa magkahiwalay na supermarket sa mga lungsod ng Dasmariñas at General Trias sa lalawigan ng Cavite kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10344 (“Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act”) na may pagkaku-long ng 12 taon ang mga suspek na sina Wendell Viado y Alonte, 22, ng Block 37 Lot 9, Dasma 3, Golden City Subd; at Jennifer Diaz y Salmonte, 34, ng Block 28 Lot 38, Silling Bata sa bayan ng Pandi, Bulacan.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na unang nasakote ang suspek na si Wendell makaraang maaktuhang nanikwat ng grocery items na nagkakahalaga ng P11,345.50 sa Divimart Supermarket sa Barangay Manggahan, Geneal Trias City.
Gayunpaman, nagwala si Wendell habang bitbit ng mga security guard patungong himpilan ng pulisya kaya nakatawag ng pan-sin sa dalawa nitong kasabwat na shoplifter na si Josie Ventura at isa pang babae kung saan nagmamadaling tumakas.
Nabatid na bago masakote si Wendell ay namataan na ito ng ilang security guard na pabalik-balik sa loob ng nabanggit na su-permarket kaya naman sinubaybayan hanggang sa masakote.
Samantala, naaresto rin ang isa pang shoplifter na si Jennifer na dumayo pa sa SM City Supermarket sa Barangay Habay, Ba-coor City para manikwat ng mga gamit na nagkakahalaga ng P5,855.50.
Wala namang maipakitang resibo ang suspek sa gamit na hawak kaya binitbit ng mga security guard patungong presinto na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal. MHAR BASCO
Comments are closed.