2 NPA NADALE, 4 SUGATAN SA ENCOUNTER

cpp-npa

NUEVA ECIJA – PATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng communist New People’s Army (NPA) habang ang apat naman nilang kasamahan ay  nasugatan nang makasagupa nila ang mga sundalo sa bayan ng Rizal.

Ayon sa report na ibinahagi ng Philippine Army, nasabat ng mga tauhan ng 48th  Infantry Battalion ang grupo ng mga rebelde habang nagsasagawa ng combat patrol operation sa bulubunduking bahagi ng Rizal.

Nakuha sa clearing operation sa lugar na pinangyarihan ng sagupaan ang  dalawang M-16 rifles, tatlong .45 caliber pistols, war materials at mga dokumento. VERLIN RUIZ

Comments are closed.