DAVAO CITY-DALAWANG kasapi ng komunistang New Peoples Army ang nabaril at napatay ng militar habang isang amasona ang sugatang sa naganap na sagupaan sa Barangay Saloy, Calinan District sa lalawigang ito.
Batay sa ulat, nakatanggap ng intelligence information ang mga tauhan ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army hinggil sa presensiya sa lugar ng mga armadong kalalakihan .
Agad na bumuo ng isang team ang 27th IB para beripikahin ang report mula sa mga residente subalit bago pa tuluyang makalapit ang mga sundalo ay nagkaroon na ng pagpapalitan ng putok.
Dead on the spot ang dalawang rebelde samantalang nahuli naman ang isang sugatang amasona na isinugod agad sa Southern Philippines Medical Center.
Narekober sa kanila ang tatlong Armalite rifles, isang M4 rifle, at isang M-14 rifle. VERLIN RUIZ
Comments are closed.