SAUDI ARABIA – DALAWANG Filipino ang nasawi habang tatlong iba pa ang sugatan nang masangkot sa road accident, ayon kay Consul General Edgar Badajos.
Sinabi ni Badajos na naganap ang aksidente sa araw mismo ng Ramadan sa Jizan, kanlurang rehiyon ng Saudi Arabia.
Lumabas ang mga biktima para bumili ng pagkain para sa kanilang Eid Festival at nang patungo na sa tindahan ay sinalpok ng GMC van ang kanilang sinasakyan.
Isa sa mga biktima ay dead on the spot habang ang isa ay namatay habang nilulunasan sa ospital.
Nabatid na minamaneho ng Saudi national ang GMC van.
Tiniyak naman na bibigyan ng assistance ng Filipinas ang mga naulila ng dalawang overseas Filipino worker gayundin ang tatlong nasugatan. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.