(2 pang kasama nasawi rin; naghabol sa flight sa Metro Manila) SEAMAN, OFW NAAKSIDENTE

Aksidente

CEBU – MASAKLAP ang sinapit ng isang seaman, overseas Filipino worker at dalawang hindi pa nakikilala nang bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang bus sa Compostella City.

Sa ulat, nabatid nina Gil Dyrol Preciados, 40-anyos, seaman at Abraham Villancea, 37-anyos, OFW na isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila na nangangahulugang hindi makakapasok ang mga sasakyan mula sa probinsiya kaya umarkila ang mga ito ng van kasama ang dalawang iba pa para makaluwas at umano’y maghabol ng kanilang flight.

Gayunman, bumangga ang kanilang sinasakyang van sa passenger bus sa Sitio Ipil-Ipil, Barangay Estaca na nasabing lungsod.

Wala namang pagkakakilanlan ang dalawa pang lulan ng van dahil katulad nina Preciado at Villanca, nawasak ang mga mukha ng mga ito sa tindi ng pagkakabangga.

Sugatan naman ang driver ng bus na si Jerry Lubon, 32-anyos,  habang kritikal ang driver ng van na si Patrick Tolo, 20-anyos.

Sa imbestigasyon ni PCapt. Vincent Zozobrado, hepe sa Compostela-PNP, pa-southbound ang van at nakasalubong nito ang bus nang mag-counterflow ang sinasakyan ng mga biktima.

Dahil sa tindi ay nayupi ang harapang bahagi ng van na naging sanhi naman ng pagkamatay ng apat. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.