MAGUINDANAO – PATAY ang dalawang musmos nang sumambulat sa kanilang bahay ang isang granada na naging dahilan ng kanilang kamatayan sa Sultan Mastura.
Ayon sa pulisya, nasawi sa pagsabog ang mga biktima na sina Daniel Amora, 7-anyos, at Omar Amilol, 5-anyos.
Naglalaro ang dalawang biktima sa bahagi ng Sitio Santillano sa Barangay Macaviso bandang alas-2:30 ng hapon.
Nagawa pang maitakbo sa Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat ang dalawang bata subalit agad ding binawian ng buhay ang mga ito.
Patuloy pang inaalam ng pulisya kung totoo ang ulat na napaglaruan ng dalawang bata ang natagpuang granada sa hindi pa matukoy na lugar.
Ayon naman sa ilang kaanak may naglagay ng hindi pa malamang uri ng pampasabog sa kanilang bahay na hinihinalang kagagawan ng kanilang kaalitan.
Dahil dito ay nagpapatuloy ang pagsisiyasat sa insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.