2 PATAY SA COVID-19 SA MALABON

malabon

DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Malabon City nitong Enero 5 kaya’t umakyat na 233 ang kabuuang casualties ng siyudad.

Ayon sa City Health Department, ang mga namatay ay mula sa Barangay Longos, at Potrero.

Samantala, 16 ang nadagdag na confirmed cases at 6,095 na ang positive cases sa Malabon, 41 dito ang active cases.

Ang mga bagong tinamaan ng COVID ay mula sa Barangay Concepcion (1), Hulong Duhat (1), Potrero (12), Tinajeros (1), at Tonsuya (1).

Dalawa naman ang gumaling mula sa arangay Hulong Duhat (1) at Potrero (1).

Sa kabuuan ay 5,821 ang recovered patients ng lungsod. EVELYN GARCIA/VICK TANES

Comments are closed.