LAGUNA – DALAWA katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa mga lungsod Calamba at Binan, kamakalawa.
Sa police report na nakarating kay PLt. Col. Gene Licud, hepe ng PNP Calamba City, nakilala ang biktimang si Jose Barba Mendoza, 67-anyos, magsasaka habang nadakip naman ang suspek na si Marciano Babadilla Perea, 62-anyos, ng Bgy. Mabato, Calamba, City.
Lumilitaw na nagkainitan sina Mendoza at Perea kaugnay sa lupain na kanilang inaangkin na mauwi sa pamamaril na siyang ikinasawi ng biktima.
Samantala, patungo naman ang biktimang si Oliver Reyes sa opisina ng PENRO nang ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng San Vicente Bridge sa Binan City kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng hepe ng PNP Binan City na si P/Lt. Col. Giovanni Martirez, naisugod pa sa ospital si Reyes subalit hindi na ito umabot ng buhay na kung saan blanko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaril. DICK GARAY
Comments are closed.