MAPAPALABAN na ang dalawang miyembro ng Team Philippines ngayong araw sa Paris Olympics.
Sina gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco ay sasalang para sa tsansang makapasok sa medal round.
Si Yulo, 23, tumapos sa fourth sa Tokyo sa vault, ay sasabak sa qualification round ng men’s individual all-around simula alas- 9:30 p.m. ng gabi (Philippine time) sa Bercy Arena.
May 50 gymnasts ang maglalaban-laban sa magkakahiwalay na dibisyon kung saan ang 24 mangungunang atleta ang papasok sa all-around finals na gaganapin sa Hulyo 31.
Samantala, sisikapin ni Delgaco na umabante sa finals ng women’s single Sculls heats sa alas-3 ng hapon (Philippine time). Siya ang unang Pinay na nag-qualify sa Olympic rowing.
Nasa Heat 2 si Delgaco kasama sina Slovenian Kostanjsek, Algerian Nihed Benchadli, Dutch Karolien Florijn, Swedish Aurelia-Maxima Katharina at Moroccan Majdouline El Allaoui.