MAYNILA – DALAWA sa Filipino workers sa labas ng Filipinas na nahawahan ng novel coronavirus ang bumubuti na ang lagay, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ang mga tinukoy ng kalihim ay ang unang Pinoy sailor mula sa British cruise ship na Diamond Princess na nakaangkorahe sa Yokohama, Japan habang ang isa ay naka-confine sa ospital sa United Arab Emirates.
Sinabi pa ng kalihim na posibleng sa mga oras na ito ay nakalabas na ng ospital ang babaeng OFW sa UAE.
Nilinaw naman ni Bello na nananatiling ginagamot ang apat pang seamen na kabilang sa lulan ng nabanggit na cruise ship sa Japan.
Umaasa ang DOLE chief na gumaling ang apat na iba pa upang maibsan ang pag-aalala ng mga kaanak nito sa Filipinas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.