DUBAI – TUMAAS sa labindalawa katao ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID- 19) sa United Arab Emirate ang dalawa sa mga ito ay overseas Filipino worker (OFW), ayon sa kanilang Ministry of Health Prevention (MOHAP).
Ang siyam na iba pa na-test sa COVID-19 ay mula sa Italy, Montenegro, Canada, Germany, Pakistani, UAE, Russia at sa UK.
Tiniyak naman ng gobyerno doon na naka- quarantine na ang 11 positibo sa nasabing sakit..
Gayunman, ang mga pasyente ay nasa stable condition na at nakatatanggap ng kaukulang pag-aasikaso.
Tiniyak naman ng UAE government sa kanilang mamamayan na kompleto ang kanilang medical facilities para masawata ang nasabing virus.
Pinayuhan din ng pamahalaan ang publiko na sumunod sa preventive health at personal hygiene measures.
Sa record ng MOHAP, kabuuang 89 na ang positibo sa COVID-19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.