2 PLANTASYON NG MARIJUANA NI-RAID NG PNP

MARIJUANA

BENGUET – DALAWANG plantasyon ng marijuana plants na nagkakahalaga ng P34k ang sinalakay at sinunog ng mga operatiba ng pulisya sa kabundukan ng Sitio Lipunan, Brgy. Poblacion sa bayan ng Kibungan sa lalawigang ito kahapon ng tanghali.

Unang sinalakay ng mga operatiba ng Benguet provincial drug enforcement unit katuwang ang police intelligence unit at Kibungan police ang 50 square meter na plantasyon na may 70 fully grown marijuana saka sinunog.

Ikalawang sinalakay ang 100 square meter na plantasyon na may 100 fully grown marijuana kung saan pinagbubunot bago sinilaban.

Wala namang inabutang maintainer ng 2 plantasyon na pinaniniwalaang tumakas makaraang makatunog na may paparating na mga operatiba ng pulisya, ayon kay Cordillera police director Brig. General Rwin Pagkalinawan. MHAR BASCO

Comments are closed.