KALINGA-DALAWANG plantasyon ng marijuana plants ang sinalakay ng mga operatiba pulisya at anti- narcotics agents ng PDEA- Kalinga sa kabundukan ng Sitio Binongsay, Barangay Malin Awa sa Tabuk City ng lalawigang ito noong Biyernes ng umaga.
Base sa ulat, nadiskubre ang unang plantasyon na may nakatanim na 10, 400 marijuana plants na may street value na P2,080,000.
Sunod na sinalakay ng mga awtoridad ang ikalawang plantasyon na mayroon naman na 300 marijuana plants na nagkakahalaga ng P60,000.
Ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. Twin Pagkakunawaan, narekober din ang 150 buto ng marijuana na nakalagay sa maliit na plastic bag na may value na P3, 750.00.
Nabatid na sinunog ng mga awtoridad ang lahat ng marijuana plants at buto nito matapos isagawa ang dokumentasyon.
Magugunita na noong Martes ng umaga ay sinunog din ang P80 milyong halaga na marijuana plants na nakatanim sa kabundukan ng Chumanchi sa Brgy. Loccong sa bayan ng Tinglayan. MHAR BASCO
Comments are closed.