2 PRESO NAKATAKAS

LEYTE – PATULOY na pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang preso na nakatakas mula sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Barangay Veloso, Calubian sa lalawigang ito nitong Huwebes.

Batay sa ulat, ang mga nakatakas ay kinilalang sina Arnel Halichic, 44-anyos ng Barangay Cabalquinto, Calubian at Reggie Pepito, 32-anyos ng Barangay Suba, Villaba, Leyte.

Ayon sa report na isinumite ng jail officer ng Leyte Sub-Provincial Jail, nakatakas ang dalawang bilanggo dakong alas-3:20 ng hapon sa pamamagitan ng pagtalon sa isang hindi pa tapos na konkretong pader.

Sumakay sila sa isang motorsiklo na naghihintay sa labas ng pasilidad patu­ngo sa katimugang bahagi ng Calubian.

Hanggang sa kasalu­ku­yan ay patuloy na nag­sasagawa ng follow-up ang awtoridad at pakiki­pag-ugnayan sa mga him­pilan ng pulisya upang magsagawa ng mga check point at drug net ope­rations para sa agarang ikadarakip sa nakatakas nilang preso.

EVELYN GARCIA