ZAMBALES – DALAWANG preso ang nakatakas sa detention cell ng Police Station 4 ng Olongapo City sa Barangay New Cabalan sa lungsod na ito habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan bunsod ng bagyong Jenny.
Ayon sa report ng mga pulis, nasa kalakasan ng buhos ng ulan nang lagariin ng dalawang preso ang rehas ng kanilang detention cell.
Kinilala ang preso na sina Engeland Hidalgo, 33, may kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 at Joshua Alviar, 18-anyos, na sangkot sa kasong theft.
Samantala, nagsasagawa na ng manhunt operation ang Olongapo police laban sa mga tumakas na inmates. THONY ARCENAL
Comments are closed.