Binigyan ng parangal at pagkilala ng Philippine Coast Guard ang pahayagang PILIPINO MIRROR na tinanggap naman ni News Correspondent BONG RIVERA sa ambag nito sa Institution ng parehas at makatotohanang paglalabas ng mga balita sa inilunsad nitong 17TH Founding Anniversary na pinangunahan ni Station Commander Southern Tagalog CG LT Anastasio Lucky Barba na sinuportahan naman ito at naging panauhing tagapagsalita sila Southern Tagalog Commander CG COMMO Geronimo B Tuvilla at Queson Gob Angelina “Helen” Tan,dinaluhan din ito ng ibat ibang sangay ng National Government at mga Lokal na Pamahalaan ng Lalawigan ng Quezon.
LEGAZPI CITY-BILANG bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin at mapabuti ang mga kakayahan ng PNP Bicol, dalawang bagong Provincial Director ang iniluklok.
Noong Hulyo 31, si Col. Virgilio O. Olalia Jr. na dating Chief ng Regional Operations Division (ROD) ay gaganap sa tungkulin bilang Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office na humalili kay Col. Julius Caesar Domingo na magpapatuloy sa pag-aaral at pagsasanay.
Samantala, si Col. Nelson Pacalso ay itinalaga bilang bagong Chief ng Regional Operations Division.
Bukod pa rito, simula nitong Agosto 1, si Col. Edward D. Quijano ang umupo bilang Provincial Director ng Catanduanes Police Provincial Office kapalit ni Col. Ryan V. Ador na pinangalanang Chief ng Regional Plans and Strategy Management Division.
Pinangunahan ni Gen. Andre P. Dizon, Reginal Director ng PRO5 ang pag-install ng mga bagong itinalagang opisyal na minarkahan ang isang makabuluhang hakbang sa patuloy na pagpapahusay ng pamumuno at kakayahan sa pagpapatakbo ng PNP Bicol.
RUBEN FUENTES