2 PULIS SUGATAN SA AMBUS

NPA

QUEZON – MADUGO ang naging Valentine’s Day ng dalawang pulis matapos tambangan ng hindi mabilang na mga miyembro ng New People’s Army(NPA) sa bahagi ng Brgy. San Juan bayan ng San Narciso kahapon ng umaga.

Kinilala ni Quezon Provincial Director PCol Audie Madrideo ang mga sugatang pulis na sina Pat. Millan Kenn Parco at Pat. Kennedy Piamonte na kapwa miyembro ng San Narciso Municipal Police Station.

Base sa report ng QPPO dakong alas-8:40 ng umaga habang nagsasagawa ng patrolya ang dalawang biktimang sakay ng kanilang mobile patrol sa lugar ng pinangyarihan ng ambusin at paputukan ng mga rebeldeng NPA ang mga pulis.

Ayon naman kina Pat Parco at Pat Piamonte nagawa nilang gumanti ng putok at nakita umano nila na tinamaan nila ang isang rebelde, subalit wala namang narekober na bangkay ng NPA ang awtoridad sa lugar.

Kasalukuyang ginagamot sa San Narciso District Hospital ang dalawang sugatan na pulis at binabantayan ang mga ito ng kanilang mga kasamahan para sa seguridad. BONG RIVERA

Comments are closed.