2 REPATRIATED OFWs SA IFUGAO POSITIBO SA VIRUS

KIANGAN-DALAWANG overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi sa  Ifugao province mula sa Metro Manila ang umano’ynagpositibo sa COVID-19 noong Sabado.

Ito ang kinumpirma ni Ifugao General Hospital Chief Dr. Joseph Bulayungan mula sa mga bayan ng Kiangan at Lamut kung saan na naninirahan ang dalawang OFW.

Nabatid na ang dalawang  OFWs na sinasabing matapos ang kanilang mandatory 14-day quarantine sa Metro Manila at kapwa  negative sa resulta ng RT-PCR test ay pinayagang umuwi sa kanilang lalawigan.

Ayon sa ulat, ang dalawa ay sumakay ng bus mula sa Maynila kasama ang isa pang 30- anyos na OFW mula sa Saudi Arabia na sinasabing naunang lumabas ang resulta sa  test na negatibo rin COVID-19 noong Miyerkules ay patungong bayan ng Lagawe

Ayon pa kay Dr. Bulayungan na ang dalawang bagong OFW-patients ay bumaba sa Nueva Vizcaya saka sinundo ng kan- ka-nilang LGUs, at  direktang dinala sa quarantine facilities sa nabanggit na province.

Subalit ibinalik sila sa Region-2 Trauma and Medical Center sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya sa hindi maipaliwanag na dahilan. MHAR BASCO

Comments are closed.