CALOOCAN CITY – HULI ang dalawang lalaki matapos ireklamo ng mga kapitbahay ng pagwawala sa kalsada at paghahamon ng away at nang kapkapan ay nakitaan ng shabu sa agarang pagresponde ng Caloocan Police, kamakalawa ng gabi sa Barangay 137, Bagong Bar-rio.
Nahaharap sa kasong paglabag sa article 155 alarms and scandals at RA 9165 o illegal drugs acts ang mga suspek na sina Leonides Quisayang y Villanueva, 41-anyos, vendor at residente ng 59 Mariano Ponce St., Bagong Barrio, Caloocan City at Reynante Simo y Bayot, 41-anyos, ng 42 Gen. Malvar St.
Batay sa report, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga tauhan ng PCP-1 bandang 11:40 Lunes ng gabi kaugnay sa pagwawala at paghahamon ng dalawang suspek na kung saan ay nagsisigaw ang dalawa ng “Lumabas ang mga siga.”
Wala umanong nagawa ang barangay dahil sa pagtatapang ng dalawa kaya agad na nagresponde ang pulisya at hinuli ang dalawa at nang kapkapan ay nakuhanan ng dalawang platic sachet na naglalaman ng shabu mula sa bulsa ng dala-wang suspek. VICK TANES
Comments are closed.