2 SILVERS, 4 BRONZES SA PINOY JINS

pinoy

MULI na namang ipinakita ng mga Pinoy ang kanilang galing sa taekwondo makaraang magwagi ng dalawang pilak at apat na tanso sa 2018 World Taekwondo Poomsae Championships na ginanap sa  Chinese Taipei.

Nasungkit ni Ernesto Guzman, Jr. ang pilak sa individual male under 40 at over 30 years old divisions.

Sa kabila ng mabigat na pinagdaan dahil sa tindi ng kompetisyon sa torneo na tinampukan ng mga atleta mula sa 59 na bansa, karamihan ay galing sa Europe at Asia, ay ipinakita ni Guzman ang  nag-aalab  na pusong Pinoy na matapang na nakilahok para sa bansa.

Ang Pinas ay isa sa anim na bansa sa Southeast Asia na lumahok sa biennial meet, kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam.

“I did all my best and used all my skill and experience to win medals. Everytime I compete overseas, I always think of the country and my countrymen praying and hoping for my success.  I’m happy, I made it despite tremendous opposition,” sabi ng 29-anyos na si Guzman.

“Now, we know our rivals in the Southeast Asian Games. These are the very same rivals we will meet next year,”  sabi ni Philippine Taekwondo Association secretary general at SEA Games Chief of Mission Makati Rep. Monsour del Rosario.

Nakakuha rin ng tanso sina Jamie Hannah Agaloos, King Nash Alcairo, Jocel Lyn Ninobla, Dustin  Mella, Rodolfo Reyes, at Raphael Enrico Mella.

Nasungkit ni Agaloos ang tanso sa individual female at nakipagsanib-puwersa kay Alcairo para sa tanso sa poomsae pair sa cadet division 12-14 years old.

Inangkin naman ni Ninobla ang tanso sa individual poomsae female at ang trio nina Mella brothers, Dustin at Raphael Enrico at Reyes Jr.  ay ibinulsa ang tanso sa team poomsae sa senior under 30 years old.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.