2 TAGA-MAKATI NAHAWAAN NG CORONAVIRUS, 14 GUMALING

Makati

NADAGDAGAN ng dalawa ang dinapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Makati City.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Makati, lumobo na sa 124 ang total na bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod kung saan siyam (9) na pasyente sa kabuuang bilang na ito ay sumakabilang buhay na.

Base sa huling datos ng Makati Health Department, ang bilang ng mga persons under investigation (PUIs) saqlungsod ay umabot na sa 602 samantalang ang mga person under monitoring (PUMs) sa ngayon ay nasa 275.

Samantala, walo namang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 ang naka-recover na kung saan umangat na sa 14 ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit.

Mayroong 33 barangay ang lungsod ng Makati kung saan 20 barangay dito ay nasa Distrito 1 habang 13 barangay naman ay napapaloob sa Distrito 2.

Ang may pinakamaraming kaso na nagpositibo sa COVID-19 ay ang Barangay Poblacion na may bilang na 20 na sinundan ng Barangay San Lorenzo na may 13 kaso samantalang pumangatlo naman ang Barangay San Antonio na may 9 kaso ng COVID-19.

Sinundan ito ng Barangay Pio del Pilar na may 7 kaso; limang barangay na may tig-6 na kaso na kinabibilangan ng mga Barangay Bel-Air, Kasilawan, East Rembo, Guadalupe Nuevo at Pembo samantalang nakapagtala naman ng 5 kaso ang Barangay Olympia.

Mayroong tig-4 na kaso ng COVID-19 naman ang mga Barangays Bangkal, Cembo, PP Northside at Rizal habang dalawa namang Barangays ng Comembo at West Rembo ay nakapagtala ng tig-3 kaso ng naturang virus.

May pitong barangay naman ang nakapagtala ng tig-2 kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng mga Barangay Carmona, Magallanes, Palanan, Tejeros, Pinagkaisahan, Pitogo at South Cembo.

Tatlo namang mga barangay ang nakapagtala ng tig-1 kaso ng nakamamatay na virus na kinabibilangan ng mga Barangays Dasmariñas, Forbes Park at San Isidro habang masuwerte naman ang mga taga-barangay na kinabibilangan ng La Paz, Singkamas, Sta. Cruz, Urdaneta, Valenzuela, Guadalupe Viejo at PP Northside dahil hanggang sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang lugar.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Makati Mayor Abigail Binay ang mga residente na pag-ibayuhin ang pag-ingat para sa kaligtasan ng kani-kanilang pamilya. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.