PAMPANGA- NAISALBA ng awtoridad ang dalawang Thailander na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Mabalacat. Ayon kay Philippine National Police Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. unang naglunsad ng operasyon ang Luzon Field Unit of the Women and Children Protection Center nitong Agosto 3.
Ito ay kasunod ng ulat na mayroong mga dayuhan na pinuwersang magtrabaho sa bansa.
Sa pagsalakay ng grupo na kasama ang mga pulis at tauhan ng Mabalacat City Social Welfare and Development Office ay nadiskbre ang dalawang Thailander na nagtatrabaho sa lugar..
Kaya naman isinalba na sila ng awtoridad.
Bukod sa puwersahang pinagtrabaho ang dalawa ay biktima rin ang mga ito ng human trafficking.
Tiniyak naman ni Azurin na makikipag-ugnayan sila sa Thai Police at tamang ahensiya para sa tamang turnover ng biktima.
“We will coordinate with the proper agencies and our counterparts in the Royal Thai Police Force to inform them of the condition of the victims.,” ayon kay Axurin. EUNICE CELARIO