2 TINEDYER MINALAS, 5 SUGATAN SA SAKUNA

Aksidente

MAGUINDANAO –BULAGTA ang dalawang tinedyer habang limang iba pa ang sugatan sa magkakahiwalay na sakuna sa lalawigang ito.

Nakilala ang dalawang namatay na sina Saimon Dago, 18, senior high school student ng Cotabato City National High School –Main Campus; at Ibrahim Udsag, 24, ng Datu Anggal Midtimbang.

Sugatan naman si Abdulpata Panalangin, 18.

Base sa police report ng DOS PNP, nagmomotorsiklo si Udsag nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan sa bahagi ng Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Ma­guindanao.

Subalit hindi nito nagawang iwasan ang kasalubong na motorcycle ni Dago kaya magkabanggaan bandang alas-7 ng umaga.

Kapwa tumilapon ang dalawang tinedyer mula sa kanilang motorsiklo kung saan dead on the spot si Dago habang si Udsag naman ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Samantala, sugatan naman ang lima katao matapos mahagip ng military truck sa Brgy. Tambo, Sultan Kudarat, Maguinda­nao noong Miyerkoles ng madaling araw.

Sabay-sabay namang isinugod sa pagamutan ang magkakamag-anak na biktimang sina Roel Ordova, 38; Sandra Ordova, 35; Cathrine Ordova, 15; Sarah Savrilla, 16; at si Sahada Savrilla, 12, pawang vendor na residente rin ng nabanggit na bayan.

Sa police report ng Sultan Kudarat, naglalakad lamang sa gilid ng kalsada ang mga biktima bitbit ang kanilang paninda patungong Brgy. Makabiso nang hindi sinasadyang mahagip ng military truck.

Nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital ng mga sundalong Marines na sakay ng nakabang-gang truck. MHAR BASCO

Comments are closed.