2 TULAY ITATAYO NG CHINA

GROUNDBREAKING

MALAKAS  man  ang  buhos ng ulan ay pinangunahan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng dalawang tulay na itatayo sa lungsod ng Maynila.

Ang  P3.75 bilyon  na Binondo-Intramuros bridge at Estrella-Pantaleon bridge na nag-uugnay sa Makati City at Mandaluyong City ay pinondohan ng Chinese government.

Sinabi ni Duterte na maitatayo ang nasabing mga tulay sa loob lamang ng 30 buwan at mapakikinabangan ng mga motorista.

Dinaluhan ang groundbreaking nina Chinese Ambassador Zhao Jinhua at Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Sa kanyang  talumpati  ay kinilala  ng Pangulo ang China  bilang mabuting kapitbahay na patuloy sa pagbibigay ng tulong sa bansa.

“I have had the honor of meeting President Xi and talked about a lot about friendships and cooperation. I would just like to tell everybody that in all of this discussions, China never ask for any, not even a one square of real estate in this country,” pahayag ng Pa­ngulo.

Ayon pa rito,  walang hinihinging kapalit ang China sa kanilang pagtulong partikular na sa bahagi ng mga lupain na sakop ng bansa.

Kapansin-pansin na walang pinakawalang mabibigat na pananalita ang Pangulo sa kabuuan ng kanyang speech na tumagal lamang ng pitong minuto.

Samantala, inihayag ni Finance Secretary Carlos  Dominguez na positibo sa ekonomiya ng bansa o ang tinatawag na economically viable ang mga proyekto ng gobyerno na may tulong ng China.

Tinukoy  ni Dominguez  ang irrigation project sa northen luzon na seserbisyuhan ng Chico river.

Aniya, kailangan nga­yon ng bagong source ng tubig para sa mga agricultural land sa Northen Luzon at ito ang magiging papel ng irrigation project na kanilang pinasok.

Kabilang din ang railway project na kokonekta nang mabilis sa Metro Manila at Bicol.

Ang mga ganitong pro­yekto aniya ay siguradong makapag-aangat ng lagay ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi pa ng Kalihim na gusto lamang tumulong ng China sa Filipinas sa paniniwalang ang isang mahusay at magandang lagay ng bansa ay mabuti rin sa buong Asya.

Comments are closed.