2 TUMBA SA TAGA AT BOGA

pamamaril

LEYTE – PATAY ang dalawang katao habang isa pa ang sugatan sa pamamaril at pananaga sa Sitio Banawag, Brgy. La­ngit, Alangalang dahil sa away tungkol sa lupa.

Ayon kay PSSgt. Clody Hipe, Duty Investigator ng Ala­ngalang Municipal Police Station, matagal nang may alitan tungkol sa lupa ang pamilya Rama at Pepito kung saan mara­ming beses na rin silang nagsampa ng nagreklamo laban sa isa’t isa sa istasyon ng pulis.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na sinugod ng pamilya Rama ang pamilya Pepito kung saan nagpaputok ng baril si Virgillio Rama, 62-anyos, at natamaan at namatay si Boyet Espino Pepito habang sugatan naman ang kapatid nitong si Norman Espino.

Dahil dito ay gumanti ang kapatid ng mga Pepito na si Noel Espino at pinagtataga si Virgillio Rama.

Sumuko si Noel Espino at nasa kostudiya na rin ng pulisya ang anim na miyembro ng pamilya Rama.

Kasong murder at frustrated murder ang isasampa sa pamilya Rama habang murder case ang inihain kay Noel Espino dahil sa pananaga niya kay Virgillio Rama. PM Reportorial Team

Comments are closed.