PAGTUTULUNGAN ng United States Armed Forces at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang paghahatid ng tulong sa mga biktima at mga apektadong komunidad ng Masara landslides sa Mindanao gamit ang dalawang U.S. Marine Corps KC-130J Hercules aircraft.
Dalawang USMC KC-130 aircraft ang naka-station ngayon sa Villamor Air Base habang pinoproseso, tinitimbang at ikinakarga ang mga supplies na dadalhin sa mga apektadong lugar.
Nabatid na target ng dalawang dambuhalang cargo planes na makapag -deliver ng kargamento ng apat na beses kada araw para matiyak na magkakaroon ng tuloy tuloy na supplies.
Sa ibinahaging ulat ng AFP at maging ng U.S. Embassy, aayuda ang mga tauhan ng U.S. Marines mula sa III Marine Expeditionary Force sa ongoing disaster relief mission katuwang ang mga tauhan ng Marine Air Group 12, 1st Marine Aircraft sa pamamahagi ng mga essential supplies.
Ang magkatuwang na Humanitarian Assistance and Disaster Relief operation ay tampok sa shared commitment ng dalawang magkaalyadong bansa na ipinakikita sa katatappos US-PH Maritime Cooperative Activity (MCA). VERLIN RUIZ