NUEVA ECIJA – MAGKASUNOD na naaresto ng mga pulis ang dalawang most wanted sa kasong grave threat.
Sa report na ipinadala ni P/Lt. Col Heryl Bruno kay PNP Regional Director PBGen. Rhodel Sermonia kinilala ang mga nadakip na sina John Paul de Guzman, 37, residente ng Zone 3 Sitio Kumonoy, Brgy, Sto. Niño 1st.
Ganap na alas-10:30 ng umaga nang madakip si De Guzman sa Brgy. Zamora, Baguio City sa pamamagitan ng warrant of arrest sa ilalim ng criminal case number 14636-19 sa kasong grave threat na inilabas ni Presiding Judge Analie C. Aldea Arocena ng Metropolitan Trial Court Branch 1.
Kasabay nito ay nadakip din via warrant ang top 10 na suspek na si Michelle Lejarde, 31-anyos, residente ng Marcos Highway, Brgy. Balacbac, Baguio City ganap na ala-1:45 ng hapon.
Samantala, detenido na ngayon ang suspek sa San Jose City Jail. THONY ARCENAL