20% DISKUWENTO SA MAAGANG MAGBABAYAD NG AMILYAR

MAGBIBIGAY ang lokal na pamahalaan ng Para­ñaque ng 20 porsiyentong diskuwento para sa maaagang pagbabayad ng mga residente sa kanilang real property tax (RPT) na taunang obligasyon sa lungsod.

Ang mga taxpayer na magbabayad ng kanilang RPT na mas maaga sa nakaiskedyul na deadline ay pagkakalooban ng 20 porsiyento diskwento ng lungsod.

Ang diskuwentong  ipagka­kaloob ng lokal na pamahalaan ay isang malaking pamamaraan ng pagtitipid sa mga taxpayer dahil ang diskwento ay maaari pang magamit sa iba pa nilang mga panga­ngailangan.

Ayon kay City Public Information Office (PIO) chief Mar Jimenez na ngayong Oktubre ay nagsisimula nang tumanggap ang Treasurer’s Office ng kabayaran para sa real property taxes.

At kung may katanungan ang mga residente tungkol sa alok ng lokal na pamahalaan ay maaa­ring tumawag ang mga ito sa 8-820-PQUE (7783), 0961-096-6329 (Smart) at 0956-394-0176 naman para sa mga Globe subscribers. MARIVIC FERNANDEZ

266 thoughts on “20% DISKUWENTO SA MAAGANG MAGBABAYAD NG AMILYAR”

  1. 885990 545747Hi there! Do you use Twitter? Id like to follow you if that would be ok. Im undoubtedly enjoying your weblog and look forward to new posts. 376787

  2. 837358 305500Hi. Thank you for making this site . I m working on betting online niche and have found this web site using search on bing . Will be positive to appear a lot more of your content . Gracias , see ya. :S 498216

Comments are closed.