20 KILOS NG COCAINE LUMUTANG SA BAYBAYIN NG SURIGAO DEL SUR

COCAINE-3

AABOT sa P100 mil­yon ang natagpuang kilo ng cocaine na napadpad at lumutang sa dalampasigan sa Barangay Handamayan sa Surigao del Sur.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kusang isinuko ng isang mangingisda ang natagpuan niyang 16 na bloke ng cocaine sa Pampanga sa kanilang lugar.

Sa salaysay ni Jolan Pucot,  nadiskubre niya ang mga bloke ng droga na nakabalot ng packaging tape na palutang-lutang malapit sa dalampasigan ni-tong Martes.

Ayon kay Police Brigadier General Gilberto Cruz, regional director ng Police Regional Office Caraga, umaabot sa 20 kilograms ang bigat ng pani-bagong bulto ng cocaine na agad nilang ipinadala sa PNP crime laboratory para masuri.

Magugunitang noong nakalipas na Linggo ay may dalawang bloke ng cocaine ang nakita rin ng isang ma­ngingisda sa baybayin ng Barangay Que-zon sa Libjo, Dinagat Islands.

Nasa bilyong pisong halaga ng cocaine ang nakuha ng mga awtoridad sa iba’t ibang dalampasigan mula nitong Pebrero, ayon sa Philippine National Police.

Hinala ng PDEA, ginagamit na transshipment point ng cocaine ang Filipinas papuntang China, Hong Kong, at Australia na umano’y may malakas na demand sa ilegal na droga.

Nanawagan naman si PDEA Director Aaron Aquino sa sinumang makakakita ng kahina-hinalang mga blokeng lumulutang sa dagat o dalampasigan na agad magsabi sa kinauukulan.

Magugunitang nag- alok ang mga awtoridad ng isang sako ng bigas na pabuya sa sinumang magsusuko ng mga ito. REA SARMIENTO /VERLIN RUIZ