20 OFWs SA SAUDI NA PINALAYAS NG AMO, INAYUDAHAN

JEDDAH – TINULUNGAN ng Philippine Consulate at ng Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah ang 20 overseas Filipino workers (OFWs) na karamihan ay kab-abaihan at cleaners na pinalayas ng kanilang mga amo.

Ang mga OFW ay nagpasaklolo sa Philippine authority.

Ayon sa isa sa OFW, tumanggi silang ilipat ng kanil-ang agency habang hindi sila pinasuweldo ng dalawang buwan at hindi rin ibinigay ang kanilang food allow-ance.

Sinabi ni Welfare Office Yolanda Peñaranda na kanil-ang sinundo ang mga OFW kung saan pansamantalang namamalagi.

Sinabi naman ni Consul General Edgar Badajos na dumating ang POLO team  bago pa maaresto ng pulisya ang OFWs.

Kakausapin naman ni Labor Attache Nasser Munder ang agency ng OFWs hinggil sa nasabing kaso. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.