200 EKTARYANG LUPA SA BATAAN ‘DI PUWEDENG PAGTANIMAN-SOIL EXPERT

lupain

NANINDIGAN ang isang soil scientist mula sa University of the Philippines at propesor sa London School na hindi maaaring pagtaniman ang nasa mahigit 200 ektaryang lupain sa isang barangay sa Sumalo sa Hermosa, Bataan.

Ginawa ni Prof. Federico Perez ang pahayag makaraang magpasya ang Department of Agriculture (DA) na maipasama sa agrarian reform projects ang naturang bahagi ng lupain.

Sa isang panayam, iginiit ni Perez na

tama ang naging desisyon ng Korte Suprema noong 2009 na nagsasabing kinakailangang gamitin bilang commercial at industrial land ang nabanggit na lugar.

“Sana matagal na umasenso ang Sumalo, kung sinunod lang ng Department of Agrarian Reform ang order ng Supreme Court. The people in the DAR should realize that it’s the residents who are deprive of these opportunities to improve their lives,” pahayag ni Perez.

“The land is not economically productive when put into crop production because it requires high amounts of farm inputs,’’ saad pa ng naturang eksperto.

Ipinaliwanag pa ni Perez na napakababa ng kalidad ng nabanggit na lupain at hindi maaaring gamitin  para pagtaniman.

“The farmer will spend more on fertilizer than its harvest because the soil needs a lot of support to grow anything. The economic yield is ultimately the measure of crop productivity.,’’ wika pa ni Perez matapos ang kanyang masusing pag-aaral noon sa naturang lugar.

“The soil there is stunted, and to restore the soil’s nutrients with the help of expensive farm inputs, is a losing venture,’’ dagdag pa ng eksperto.

Nabatid na ang dating isinagawang pag-aaral ni Perez sa lupa na nagsasabing hindi dapat taniman ito ay kahalintulad din sa paniwala ng  soil experts mula rin mismo sa DA na siyang naging basehan ng desisyon ng Kataas-taasang hukuman para ilagay  ito bilang industrial area.

“The soil there is stunted, and to restore the soil’s nutrients with the help of expensive farm inputs, is a losing venture,’’ paliwanag pa ni Perez.

Nauna rito sinuri ng eksperto ang lupain noong February 2019 kasunod ng kahilingan ng Riverforest Development Corporation, na siyang may ari ng lupa na pag-aralan at i-analize ito.

“The Supreme Court had decided in 2009, that the land is best suited for commercial and residential, the government should implement the SC ruling if they really want to help the Sumalo residents, farming in the area is not feasible. Sayang lang ang pera ng gobyerno,’’ pahabol pa ni Perez. BENEDICT ABAYGAR, JR.

44 thoughts on “200 EKTARYANG LUPA SA BATAAN ‘DI PUWEDENG PAGTANIMAN-SOIL EXPERT”

  1. 963908 649190So, is this just for men, just for girls, or is it for both sexes If it s not, then do women need to have to do anything different to put on muscle 635965

Comments are closed.